REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, July 31, 2010

TRABAHADORA

MAY BAGO NA! OHLALA!

Kailan lang, nagkaroon ako ng tipong 'ding-dong' na linggo. Mixed nuts, mixed guts. Yea, baduy, alam ko. Mula sa pagod, pangangamote, at pagkatusta sa arawan, naging masaya at naging maligaya at naging masaya ulit ako sa kinahihinatnan ng takbo ng buhay ko sa bago kong trabaho. Kahit halos dalawang linggo na rin ako sa trabaho, madami-dami na din ang natutunan at naging karanasan ko. At sa trabaho ko, parang naging estudyante ulit ako, para akong freshman sa isang kumpanya. Hanep.

Ganito pala kapag nagtatrabaho ka na, dapat magalang at marunong kang makinig sa iba. Kasi kapag nagmarunong ka na lang ng basta, hindi ka lalong matututo sa industriya. Sa tagal ko ng nagsusulat at nagkekwento, may mga bagay at revisions parin akong natatanggap galing sa aking kaibigang editor/writer. Madalas maraming bura at kulang sa pagkakakwento ang mga isinusumite kong script, at sa bawat koreksyon at payo na ibinibigay niya sa akin, pangiti kong tinatanggap ang aking mga pagkakamali, sabay senyas ng 'You the man!' pagkatapos ng pagtuturo.

Ganito pala kapag nagtatrabaho ka na, dapat matuto kang makisama at makihalubilo sa bawat tao sa iyong kumapanya. Parang yung payo lang sa akin ni madam kahapon:

Madam: "Catherine, halika saglit."
ako: "Bakit po, madam?"
madam: "Ilang taon ka na?"
ako: "20 po, madam."
madam: "First job mo ito?"
ako: "Opo. Bakit po?"
madam: "Wag kang kime ah, matuto kang maging vocal kasi reporter ka e."
ako: "Ay sige po, madam. " *with a smile.

Ganito pala kapag nagtatrabaho ka na, pawi lahat ng pagod at tiyaga mo kapag narinig mo na ang ang mga katagang sweldo, payday, TGIF, at kung paano nagpapanting ang tenga ko kapag naririnig ko ang salitang balato. Pwes pass na muna ako, pasensya na barat akong tao.

Ganito pala kapag nagtatrabaho ka na, ibang iba ang kaba kapag dumadating ang araw ng sabado sa kaso ko. Pumupunta sa kumpanya ang mga bossing at kliyente para malaman ang mga progreso at estado ng bawat deparment o grupo. At halos manlamig ang kalamnan ko noong grupo na namin ang kinumusta ng isa naming bossing:

---

boss: "Pagkatapos nito, I want to hear about the reporters. Reporters, you'll be next..."
c
At dalawang salita lang ang pumasok sa isipan ko: HOLEY SHOOT.

---
*after the media 101 overview


boss: "Reporters, okay, who was absent last week?"

At agad-agad kong itinaas ang aking kanang kamay, hindi upang ipahiwatig na proud ako kung hindi sa tonong 'Guilty ho ako, patawad boss absent ako.'

boss: "Okay, what is your name?"
ako: "Catherine, sir."
boss: "Okay, Catherine. Come forward and report to us what you've done the whole week. Palakpakan naman natin si Catherine." *with matching hiyaws and smiles.
ako: *juice ku po. "The first day we...(insert topics and reports here)"

Pagkatapos aprubahan at tanggapin ng mga bossing ko ang mga inireport ko, pinaupo nila ako at nakita ko ang liwanag sa aking silya at natagpuan ang nirvana. Abswelto na ako sa linggong ito.

---

Ganito nga kabilis at kasaya ang mga pangyayari. Pagkatapos ng linggo umuwi na ako sa probinsya ko kasama ang aking magiting na nobyo. Dala-dala ang aking take-home sweldo. The end.

INNERPEACEY'ALL! v(-_-)v

No comments: