REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, December 25, 2009

HIRIT PA

MAY BAGO NA! OHLALA!



Sino naman abnormal na tao ang gagawa ng wishlist sa araw pa mismo ng pasko? Sino?





Ako.



Hindi ko rin maintindihan kung bakit kelangan ko pa isiwalat sa buong mundo kung ano-ano ang mga bagay man o pagkakataon na hinihiling ko. Marahil kasi hindi na ako makukuntento, o kung madrama man ako iisipin ko na lang na may kulang pa sa buhay ko. ACHUCHUCHU! *insert madrama music here*

Nakalipas na ang 30 menutos at hindi ko pa naibibigay ang mga bagay na gusto ko. Ganon na lang ba kahirap 'yon? Bakit ang iba sobrang nadadalian sa paggawa ng mga listahan ng hiling nila, the wishlist goes on, and on. At ngayon talaga napatunayan ko na kung gaano ako kaabnormal na tao.

Libro lang naman ang gusto ko, isang magandang libro. At sige, *isip ng malalim* isang wallet na din, yung kulay black na parang pang-lalaki na lang. Ganito lang dapat kasimple. Ganito na lang siguro muna.

Gusto ko rin sanang hilingin ang 'world peace,' kaya lang halos gabi-gabi ko naman 'to pinagdadasal. Oo nagdadasal ako. At halos lahat ng beauty queens at kings, naging linya na nila ito. "World peace." Hindi parin ako magsasawa at mapapagod na hilingin ito, umaasa pa rin ako: na may kapayapaan na naghihintay sa mundo at sa mga tao.

Walang gana parin ako habang tinatapos ko ang blog entry na to. Gusto ko lang tapusin. Ayoko mauwi sa 'draft' na naman to tulad ng iba kong blog entries, draft na lang sila, hindi ko na natapos. Badtrep ang ugali ko na to e, ang ugali ng ibang tao, magaling lang sa simula, pero hindi na alam kung paano tatapusin ang isang bagay.

Ayoko munang magpakaberto ngayong pasko, kahit na muntik na madurog muli ang puso ko. Kung bakit naman kasi may nagpapaalala pa ng sakit e.

bwehehe! Maligayang pasko na lang sa inyo!

WORLD PEACE. v(-_-)v

1 comment:

Anonymous said...

Merry Christmas, ms kt :)