REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, November 15, 2009

SULIT

MAY BAGO NA! OHLALA!

Matagal-tagal na rin bago ako maglagay ng kwentong barbero dito. Naisipan ko lang magkwento dahil sabi ng isa kong kaibigan hindi ko na daw nabibigyang buhay ang site ko dito. O sige, bigyan natin ng buhay ang site na ito. Corny a.

Hindi rin siguro dahil wala akong maikwento, ang totoo madami akong pwedeng ikwento dito. Yun lamang, hindi ko alam kung papaano. Halo-halo special. Nagdaan na ang undas, sembreak, enrollment, unang linggo ng pasukan.

At oo nga pala, huling semestre ko na ito sa pinakmamahal kong eskwelahan. Kapag naiisip ko na graduating student na ako kinikilabutan ako, pero mas lamang naman yung pakiramdam na masaya ako, sabik. Kaya naman nung nagkita kami ng kaibigan ko, itinanong niya sa akin ang pambansang tanong para sa mga graduating students:

"Ano ang balak mo after grad?"

Lagot. Pwedeng pakiulit?

"Ano ang balak mo after grad?"

Pass muna ako sa tanong na iyan. Kasi sa totoo lang hindi ko pa alam kung saan ako mapapadpad sa susunod na taon. Naiingit akong marinig ang mga kakilala ko na may malinaw na landas na tatahakin sa susunod na taon. May plano na agad sila. Ako wala pa. Napakabilis naman kasi ng mga pangyayari, parang kahapon lang kinder ako at tahimik na nakikinig sa titser kong makulit habang lipad ang isip. Walang pinagbago, hanggang nagyon madalas na lipad parin ang aking isip.
Pati kaisipan ko pumapakawala na, ayaw na siguro sa akin.

Lahat nakadepende parin, marami pa naman pwede mangyari na pwede ring makapagpabago sa desisyon at mga plano ko sa buhay. Ay wala pa nga pala akong plano sa buhay. Pero alam ko naman kung ano ang gusto kong mangyari pagdating ng panahon. Pagdating ng panahon.

Sa ngayon ang gusto ko lang sulitin ang *marahil* huling sandali ko bilang isang estudyante. Sulitin ang mga sandali habang naaaliw pa ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Sulitin ang mga sandali kasama ang mga importante at mga taong biglang sumusulpot sa buhay ko.

SULIT NA SULIT TALAGA.

2 comments:

joan said...

..abah! at ggradweyt na! hmmm di nga? baka maya hindi pala? wahaha!!
..congratulations poh!! ayie. basta enjoy enjoy lang. yan ang dabes! apir! :p

andoyman said...

asteg...ga-graduate ka na pala...ge, sulitin mo na yan...mas malungkot kapag ala ka na sa iskul...lalo na kung matagal kang tambay tulad ko...hehe

kung anong gusto mo, iyon ang gawin mo