MAY BAGO NA! OHLALA!
Dumadaldal na naman ako ngayon, akalain mong parang noong isang linggo lang ako huling nagkwento dito sa outer space. May naalala lang kasi ako kani-kanina habang tinitignan ko ang notebook ko noong 2nd year college pa lang ako, halos 10 pahina lang ang nagugol ko sa pagsusulat o pagtetake down ng mga notes, at halos kalahati naman ng buong notebook ko puno ng mga drawing, gure, drowing ulit, lyrics ng kanta, quotes, kwento, flames, atbp. Kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit ako palaging nangangamote sa mga pagsusulit namin, wala akong notes na matino para pag-aralan.
Ang mga sulat na nabibigay sakin, iniingatan ko talaga, sentimental kasi akong tao. Para na rin basurera, lahat ng pepwedeng ingatan at itago, itatago ko talaga, minsan din kasi, mali, madalas din kasi ulyanin ako, gusto ko lang may naaalala ako. Kaya naman naisipan kong ligpitin ang mga umaapaw kong kayaman noong isang matyagang araw.
At sa paghahalukwat ko ng aking mga notebook dun ko din natagpuan ang napakadaming, ehem, ehem, love letters. Ehem ulit, ehem. Malalang TB na ba ito o ano?
Halos 3 tao lang ang nagbigay sa akin ng love letter. Seryoso. Hindi ko alam dahil siguro nauso na din ang text messaging kaya ganun, pero kapag sa text ko lang mababasa ang mga malalambing sa sinasabi ng isang tao, misan konti o di kaya walang epekto sa akin yon. Pinadaanan ko lang ng pagbabasa, madadaan na din sa limot pagkatapos, sabay bura sa telepono na napupuno na ang memorya.
Sa una kong love letter galing sa unang mailman ng buhay ko noong first year HS, halos ilang buwan ko din tinago iyon, nilagyan ko ng scotchtape ang napupunit nitong dulo sa sobrang kaingatan ko. Hindi ko alam pero siguro dahil na rin unang love letter at unang kabaduyan ko iyon. Hindi ko alam kung nasaan na yon ngayon, pero hanggang ngayon natatandaan ko pa rin ang love letter ko na yon: kulay dilaw na stationery, malinis na isinulat gamit ang kulay asul na tinta ng ballpen, para sa akin, galing sa kanya. KILEG.
Sa pangalawa kong love letter na natanggap galing sa pangalawang mailman, 'yon na ata ang pinaka sincere na love letter na natanggap ko pero diniretso ko lang agad sa basurahan iyon. Masyadong sincere, feeling ko I don't deserve his love. Echos. Salbahe ako, oo.
Sa pangatlong love letter, ay mali letters pala galing sa pangtalong mailman ng buhay ko, ah, siya na ang may pinakamaraming binigay sakin, estimated:20plus. ganon kadami. May nakacard, notebook, pilas sa notebook, bookmark, pabalat ng tsokolate, yellow paper, at iba pa. Lahat ng iyon inipon ko, inipon ko para itapon lamang. Kasi ganon ata talaga kapag nasaktan ka ng isang tao at ayaw mo ng mga bagay-bagay na magpapaalala sayo ng tungkol sa kanya.
Pero kahit nga naitapon ko ang mga sulat, ang mga love letter ng mga mailmen sa buhay ko, hindi ko na din siguro malilimutan ang mga bagay-bagay na naisulat nila para sakin. Ulyanin nga ako, pero kapag kasi sulat ang binigay sayo, may mga oras na babasahin mo iyon hanggang sa, di mo sinasadya, tumatak na ito sayo. Mag-iiwan na rin ng alaala sa munting kokote mo.
Ayoko na din siguro munang makatanggap pa ulit ng isa pang love letter galing sa panibagong mailman na maligaw sa bahay o buhay ko. Ayoko kasi na baka kapag ulit-ulitin ko ang pagbabasa sa sulat niya, isang araw itapon ko na naman, tulad ng sa iba, ang mga matatamis na sinabi niya.
3 comments:
may tatlong masugid na minsahero ka pala...
sana madagdagan pa ehehe @_@
i love writing letters too..i could write one for you, if you want... :-)
anyway, di nman nakapagtataka na marami kang "letters" na natatanggap... mukha ka namang pretty...
anyways, thanks for dropping by my blog and for leaving a comment. kelan ang survey???
nays andming nagpapadala ng sulat. nakakahanga na ang mga ganyan nagyon, yung paghihirapan ang sulat kahit nasa harap na nila ang modernong teknolohiya ng email at selepono.
ireroute mo muna ang iyong address nang wala munang matanggap na sulat.ahehe
Post a Comment