REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Monday, October 5, 2009

SHOWBIS.

MAY BAGO NA! OHLALA!

NAME GAME

Napagkatuwaan lang sa bahay-bahayan namin diyan banda sa Manila na magkaron ng blind item/s. Mashowbiz kami eh. Nakakatuwa lang kasi iba-ba talaga ang mga istilo at katarantaduhan namin sa buhay-buhay. Di bale, nagkakasundo naman kami sa isang bagay e. Mahilig kami sa gwapo. Ehem.


DA WHO?

1. MISS PINKY SWEAR ; MODEL STUDENT ; HOME GURL ; BENGKA

- Hanga talaga ako kay Ms. Pinky swear na to. Bukod sa sobrang sipag niya mag-aral e napakagandang impluensya niya sa bunso naming kasamahan sa bahay. Kaya nga naiingit ako sa ganitong mga estudyante e, tipong hobby na nila ang pag-aaral. Kung sabagay bakit ko nga naman ikukumpara ang sarili ko sa isang masipag na tao, batugan vs. masipag. Isa pa, kung ano ang kinahilig niya sa kulay na pink e yun naman ang ikinayaw ko dun. Ok lang, mahilig naman kami sa gwapo. Magkakasundo na rin kami kahit papano :p

2. O.C. GURL ; VAIN ; TENIL

- Kailangan lahat ng gamit ay maayos, kung ayaw mo ng gera sa loob ng bahay. Ganito si OC girl, may plano at patutunguhan sa buhay. Nakinikinita ko na ang pagiging successful nito isang araw, sa pag-aartista, kung hindi man sa modelling. Mahal na mahal ang sarili. Hindi nga naman kasi masama ang pagmamahal sa sarili, ito sa kanya lang nasobrahan. Pinkatumatak na linya sa akin mula sa kanya: "Ayoko maging pabigat sa ibang tao!" O sige, magaan naman ako e.

3. ONLY GURL ; BRUNO ; KOYA JU

- Hindi ko rin alam kung saan nagumpisa ang lokohan namin kay KOYA bilang isang ganap na KOYA. Pero cool naman siya e kaya go with the flow na lang siya. Yun ang masarap sa mga cool na tao e, kahit anong pang-aasar mo hindi napikon. Kaya lang hindi perpektong tao si KOYA, kasi sakit na niya ang maging antukin, makakita lang ng kama tutulugan na niya. Sleeping beauty, ika nga.

4. DONya ; NARS ; SISTER'S KEEPER NO.1

- Ito ang nars namin sa bahay. Kung may sakit ka, aalgaan ka. Kung gutom ka, pakakainin ka. Kung bigo ka sa pag-ibig bibigyan ka ng papa. Yun na. Ang taong malambing sa lahat, pero maloko sa sariling kapatid. Mahilig sa kape at mahilig maligo. Ito ang taong OWL. Mahilig magpuyat kasi mahilig mag-aral. Hindi tulad ko, mahilig magpuyat pero hindi para mag-aral.

5. ANGEL'S GIRL ; INVISIBLE GIRL ; SISTER'S KEEPER NO.2

- Nakababatang kapatid ni NARS. Hindi mo gaanong mararamdaman sa loob ng bahay, pwedeng nasa labas kasama ang kaibigan, pwedeng tulog at nasa ulap ng panaginip. PinakaLATE niya kasing tulog ay 9pm, samantalang 11pm pa lang magsisimula ang kasiyahan sa bahay-bahayan namin. Ang bata din na 'to, all-out sa pag-ibig. Pero wala parin mas magpapakabobo sa pag-ibig kung hindi ako, pangalawa lang siguro si INVI GIRL. Ang kaisa-isang TAKEN na sa grupo. AWW!

6. BREAKDANCE ; YOU-KNOW'S WIFE (kuno) ; AVID FAN

- Ito si TOOT, ang dancer at pinaka-active sa grupo. Maraming sideline sa buhay kaya maraming kaibigan. Minsan lang kapag naadik sa isang bagay o tao, literal nagiging adik siya. Sa kanya ko na tunay na naintindihan ang ibig sabihin ng salitang AVID FAN. Sisiksikin at bubusugin ka niya sa impormasyon na hindi mo mawari kung san niya nahuhugot. Hindi ko alam kung paano pero tingin ko nasobrahan lang siya sa betsin. Pero wala akong masabi sa taong to, mabait na, talentado pa. Kulang na lang sa kanya nobyo. Pwede na sana si *toot.*


7. SILENT KILLER ; SHHHHH! ; SHHHH!

- Silence is a policy. Isa pang role student sa dorm, sobrang reserved na tipong hindi mo mayaya sa galaan o kaya sa tambay. Hindi mo makukulit o mapipilit na maging makulit. Pero masaya rin naman kasi kapag may kalokohan game na din siya. Siguro kailangan namin siyang lunurin sa ROYAL tru-orange, para lubusang malabas ang kulit.

8. JUMPING JACKS ; GIRLE'S ; EARLY BIRD

- Kung ano ang kinalate ko sa buhay ay siya namang kinaaga niya. One hour bago magstart ang classes aalis na siya sa bahay-bahayan namin. Sobrang tulin kumilos. Please lang wag mo siyang hahamunin ng race kung ayaw mong mapahiya ang sarili mo. At wag mo rin siyang sasabihan ng mga kalokohan at biro mo dahil matatawa talaga siya ng todo-todo.

9. CASANOBO ; JUANANG TAMAD ; TRYING HARD OC

- Bukod sa napakadaming lalaki e ubod ng tamad pa ng taong ito. Hindi ko alam kung papaano ito magiging matagumpay sa buhay. Pero nasabi niya din naman minsan sa akin na may plano na naman daw siya sa buhay niya, yun lang daw hindi niya alam kung paano. Pero wag ka, graduating student na papetiks petiks lang sa buhay. Kaya naman pinipilit pumasok sa eskwela kahit mahigit kumulang isang oras ng late; Better late nga naman than never. Hindi ko din alam bakit CASANOBO bansag sa kanya, e alam ko lang nabigo na siya sa pag-ibig, nagoyo pala.


GANITO KAMI SA DORM. GANITO DIN SANA SA BUONG BAYAN. :)


ALL THE SINGLE LADIES EXCEPT ONE:
1. Bianca 2. Tinel 3. Joan 4. Kat meow 5. Mon 6. Joy 7. Tin 8. Erica 9. Yours truly, KT/Gorjus. :)

No comments: