REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Thursday, September 24, 2009

TERIBOL.

MAY BAGO NA! OHLALA!



Presyur.



Ito ang pressure: Abuso talaga ako sa sarili ko. Sa halos ginagawa ko sa araw-araw parang pinapatay ko na din ang sarili ko. Simple lang naman kung papaano, ito lang ang ilan sa mga paraan para sa unti-unting pagpatay sa sarili.



BAD EATING HABITS.



A Pansit canton in da morning until IN DA evening.



Bukod sa maaga kong pagtulog(1am, 2am, 3am-latest), kailangan kong ihanda ang sarili ko sa isang matinding bakbakan kinabukasan, kaya naman naisipan kong magpansit canton na lang sa umaga. Alas 8 ng umaga, maghahanda ng sarili. Titingin sa wallet, walang pera. Bubuksan ang tupperware, kukunin at lulutuin ang pansit canton, lulutuin, ihahanda, serve while hungry and happy. 12pm-6pm na klase, uuwi sa probinsya aabutin ng 3 oras sa byahe. Makakarating sa bahay ng alas 10 ng gabi. Kitams, CARBO ROCKS!

PUYAT KING/QUEEN.

May mga tao talaga na walang disiplina sa buhay. Kung kelan gabi at madaling araw saka gagawin ang mga bagay na pepwede naman gawin sa magdamag. Siguro pinanganak at nasa sistema ko na ang ganito, hindi kikilos hangga't hindi natataranta.

Parang sa ibang aspeto ganun din, hindi mo mamamalayan ang importansya ng isang bagay kapag nawala na ito sayo, hindi ka matututong bumangon nang mag-isa hanggat hindi ka pinabayaan ng mga taong iniisip mo na palaging andiyan para sayo. Hindi ka matututong maging matatag hangga't hindi mo naranasan ang maging duwag. Kung bakit naman kasi kelangan muna ang masaktan ka o mahirapan bago ka matutuo talaga sa buhay. Wala bang nabibiling guidelines diyan para makaiwas? Pero kung sabagay, hindi ko na din kelangan. Napagdaanan na rin naman e.






No comments: