REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Sunday, August 9, 2009

TOTOHANAN.

MAY BAGO NA! OHLALA!

Salamat, papa God, papa Jesus, mama Mary, at sa lahat ng santo at santa.


Taos puso pasasalamat ko sa mga tao at espiritu na tumulong sa akin. Oo, baduy na kung baduy. Pero wala akong magagawa, nasaktan ako, matinding sakit. Baguhan lang ako sa buhay pag-ibig. Kung alam ko lang, e di sana nanood pa ako ng sandamakmak na teleserye para may matutunan ako. Inechepwera ko lang sila, pinandirian, mga adik at sawi sa pag-ibig. Yun pala, mabibilang din ako sa kanila. Tss.

Hindi ko alam kung ano ang nagpagaling sa akin pero ang alam ko malaking bagay ang pagtulong mo sa sarili mo para magawa mo lahat ng ninanais mo. Self-support. "Kaya mo yan. KT. Ikaw pa!" Mind over matter. "Gagaling ka din in three, two, one. BINGO!" Food therapy. Music therapy. Friends therapy. Prayers. Crushes. Studies. Mas magaling pa talaga mag-aral na lang tayo. Pramis! =)

Ginawa ko lahat ng paraan na maiisip ko. Effective lahat in the span of *tenenen tenen* 2 WEEKS. Kasi kung iisipin mo naman na kakayanin mo makakaya mo talaga. You'll pull it off somehow. Hindi nga agad-agad mawawala ang pagmamahal mo sa isang tao. Pero minsan din maiisip mo, hindi rin pala sapat na mahal mo ang isang tao. Hindi din sapat na nagmamahalan kayo, baka kasi nakakalimutan mo, may mga iba pang sangkap para sa isang matino at masayang samahan. Naloko talaga ako sa kantang "Love is all that matters."

Single days are here again. Masaya parin naman. Nawalan ka ng isang responsibilidad sa buhay. Kaya lang minsan naaalala ko, masaya din naman na may alalahanin ka at may aalala sayo, yung magsasabi sayo ng mga, ano ba ulit yun? Sweet nothings? Ayan nawala na talaga ang lambingan.

Sa ngayon pinagbabawalan pa akong magnobyo ng mga kaibigan ko. Hindi naman sa pinagbabawalan dahil kelangan ko muna maglaylo. Susundin ko naman ang payo nila, alam naman nila ang tama sakin, simula pa lang. Yun lang matigas talaga ulo ko noon. Hanggang ngayon. Mas inaalala din nila na baka maghanap lang ako ng rebound. Hindi naman sa ganun. Siguro gusto ko lang humanap ng iba para malipat na sa kanya ang atensyon ko. At para din sa tamang oras, masabi ko sa kanya:

"Salamat ah, dumating ka. Wag kang mag-alala, ikaw ang dumating sa buhay ko, ikaw na din ang bahalang iwan ako."

PAKSYET.
KITAMS. AKO SI KT. ANG LEGENDARY GIRLFRIEND
.

No comments: