MAY BAGO NA! OHLALA!
"It's enough for me to know that you're in love, now I'll let you go." - Wilson Phillips
Alam mo yung 3-month rule? Oo alam ko yun, alam nila. Alam natin lahat. Tatlong buwan kang magiisip, magbibigay ng respeto sa mahal mo bago ka tuluyang maghmahal ng iba. Ilang buwan mong pagiisipan lahat ng bagay, ilang linggo ka munang magmumuni-muni. Ilang sandali muna bago gumaling ang sarili. Pero sa iba, sa kanya, ilang oras lang kaya na.
Noong unang dalawang oras bago ko matanggap ang katotohanan na iiwan na ako ng mahal ko, wasak na tao ako. Pero pagkatapos noon nakipaglokohan na ako. Bumalik na ang sigla. Malamang iisipin ng iba nadalian ako sa proseso. Mahirap. Sa umpisa. Pero naisip ko din, ayoko naman maging emo, nag-iisa, nagddrama, nagpapakamatay. Isa pa bulok ako sa drama. Siguro sakto na yung tatlong oras na iiyak ako habang nakikinig sa mga malulungkot na kanta. Tinapos ko na. For the last time. Cried my one last cry.
May nagsabi sa akin, hindi naman ako dapat maging malungkot kung may nawala sakin. nandyan naman ang mga kaibigan ko. Mga hindi mang-iiwan sa akin. Bawing-bawi naman daw ako doon. Totoo naman. Coping mechanism ko mga kaibigan ko. Isa pa nalilimutan ko lumapit kay Bro.
Kaya salamat na lang, balik sa dati na ang takbo ng buhay ko. Ganito na lang siguro. Matutong magpalaya. Learn to let go. Mas masakit ang umasa. Lalo pa at wala na din naman aasahan.
No hard feelings, para sa taong minahal ko. Sana makita mo na yung tao na magbibigay ng mga gusto at hinahanap. Pasensya na kinapos ata ako. Maybe we'll find ourselves in the arms of someone else who'll love us again.
Wag mo na akong pakaisipin. Ayos lang ako. Kailangan ko na lang talaga pakawalan ang first love ko. :)
"but I swear today, I'm going to go off in a delicate way and I'll have so much fun I swear... no matter what goes wrong, I'll be moving on." -OAR
No comments:
Post a Comment