Andaming badtrip o. Bagong taon na bagong taon, naulan. (Ay paensya na, NAULAN, Batangenya ako e. Bakit ba?) Ano ba ang problema sa ulan? Wala naman diba? Ang totoo ngayon lang ulit ako nagkasakit ng matindi. Paano kasi, naulan. (Ay pasensya ulit!) Ang lungkot nga naman kung tutuusin ng pagsalubong sa bagong taon, pansin ko lang. Paano kasi naulan. Paano kasi nagkasakit ako. Paano kasi paulit-ulit na lang ako.
Ang tindi. Ngayon lang ako nagkasipon, nagkaubo, at nagkasinat. Ano to? Tingin mo ikamamatay ko na 'to? Kung hindi ko aagapan? Kasi alam mo tamad akong uminom ng gamot. Painomin ka ba naman ng 4 na iba't ibang uri ng gamot na tatlong beses pa sa isang araw? Hibang diba? Naniniwala naman ako na madadaan ko ang lahat ng 'to sa taimtim na dasal.
At nasermonan ako ng matindi ng nanay ko habang bumibili kami ng gamot.
...
sa may botika, sa nag-iisang botika na bukas nung Jan.1...
nay: "Miss, isa narin ng ascorbic acid..."
ako: "Ngayon niyo pa yan bibilhin ma?! Kung kelan may sakit na ako?"
nay: "Sipain kaya kita diyan?!"
*A HEAVY SERMON WAS FOLLOWED AFTER THIS INCIDENT.
...
Sayang talaga may sakit ako. E ang sarap pa naman ng bawal. Maraming tsokolate dito sa amin, at cake, at pagkain, wala pa naman akong gana kumain ng madami. Hindi ako ito. Hindi ako ganito. Basta-basta tumatanggi sa grasya. Josko. At pangalawang araw ko na itong may sakit. Oy yes. Happy new year nga. Happy rainy new year.
ako: New year na new year naulan nu?
Leerou: Buraot nga e!
ako: Blessing naman ang ulan a! Parang ikaw sakin.:)
1 comment:
woi hehe...nakikibati lang...isang mayabong na bagong taon sa iyo..yey!!!
Post a Comment