REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Monday, September 1, 2008

TONTA MOMENTS.

MAY BAGO NA! OHLALA!

Nararamdaman ko na ang pressure sa ngayon. Oo tama. Lalo kong nararamdaman ang pressure dahil napakabilis magtype ng katabi ko. Gumagawa siya ng adver, kaklase ko pala siya. Madami nakaming gawain, madami na ang kailangan ipasa. Napakabilis ng oras, hindi mo namamalayan pinapatay ka na nito, sa loob lang ng ilang segundo, deds ka na. Literal.

Pero ako parin ito. Petix parin. Kasi kung tutuusin di ako mapepressure kung gumagawa ako sa oras kung saan bakante ako. Walang ginagawa. Pero ayoko, mas masaya ako sa piling ng computer at sa piling ng dvd, dvd marathon, diba't masaya pakinggan? Relaxing.

Cramer naman kasi ako kung maituturing. Masaya din magprocrastinate, pramis.

"Teka, may gagawin pa pala ako. Saka ko na tatapusin ang sa *insert subject here*, manonood pa pala ako ng favorite show ko..."

Teka. Pwede na ang pagbigyan ang excuse na yan, PEYBORIT SHOW na naman kasi yan e, ibang usapan na yun. Kung the series yan diba nakakainis naman kung bitin? Kaya nga nauso ang DVD marathon e. Tss.

At salamat na rin sa diyos ng teknolohiya, ano na ang gaagwin ko kugn walang internet? Josko. Masaya man ako sa piling ng mga libro sa library e sidekick ko na rin maituturing ang internet.:)

Sabihin mo na di masaya ang net, sige, babarahin lang kita.:)

No comments: