MAY BAGO NA! OHLALA!
THE LAST EMO BLOG EVER. FINALLY.
Pag ikaw ba binato ng masasakit na salita, ano ang mararamdaman mo? Personal man o hindi, sa text man o sa harap mo na mismo, ano ang mararamdaman mo?
Para sakin, wala lang. Pero plastik ako. Dahil ang totoo nasaktan ako. Todo-todo. Teka, wag niyo akong sisihin. Balat-sibuyas akong tao. Pwede mo akong kantyawan ng iyakin at makikita mo na lang ako na umiiyak na sa sulok. Iyakin simula noon hanggang ngayon. Walang kupas.
NAIYAK AKO DAHIL SA FOUL.
May nakapagsabi sa akin, masakit daw ako magsalita. May nakapagsabi na rin sa akin, nanggagamit lang daw ako ng tao. May nakapagsabi na rin sakin, demonyita at malandi akong tao. Sinabi niya iyon sa akin sa loob lang ng isang araw. At sinabi iyon sa akin ng tao na NAGMAMAHAL DAW ng SOBRA sakin.
Haha. O sige, mahal niya ata talaga ako kaya niya nasabi ang mga iyon. Ibang klase na talaga magmahal ang tao ngayon. Nagiging madamot. Nagiging manhid. At nagiging mapagmarunong na. De sila na nga ang matatalino. At sila na rin ang anak ng diyos. At ako na ang anak ng demonyo.
Noong sinabi niya iyon sa akin natawa lang ako. Maya-maya ay nanahimik na ako at naiyak. Naiyak ako di dahil sa masasakit na salita na sinabi sakin, naiyak ako dahil di ko akalain na siya pa ang magsasabi ng mga ganung bagay sa akin. Itinuring ko siyang tunay na kaibigan. Tss. Asa pa ako.
NAIYAK AKO DAHIL SA AKING KABOBOHAN.
Alam ko hindi ako dapat nagdrama sa klase kanina. Pero di ko lang kinaya ang aking mga naririnig na komento galing sa aking kaklase. Wala naman akong sama ng loob sa kanya. Naisip ko lang kasi na habang di siya nakuntento sa ginawa kong presentayon, naisip ko lang na naghirap ako ng sobra sa paggawa non. Siguro nga kulang pa. Siguro nga madrama lang ako. O sige. Bobo na lang.
Nais kong humingi ng tawad sa aking mga kagrupo. I let you down. I am sorry. *Kt Is a LOSER.
NAIYAK AKO DAHIL SA PAGIGING MAG-ISA.
Lifesaver ko talaga si Leerou. Akalain mo at pinuntahan niya ulit ako sa Manila kanina. Mahal talaga ako ng lalaki na to. Siya ang nagsilbing outlet ko, ang nakakatuwa lang ay praning siya. Dahil kulang na lang gumawa siya ng eksena sa mismong gitna ng kalsada pa.
“Sino?! Sino ang nagpaiyak sayo?!”
“Oy! Maghunustili ka nga!”
Sabay tumigil siya, at niyakap niya ako. Saka niya sinabi…
“Huwag ka ng iiyak ha? Hindi na kita mapagtatatanggol e…”
Oo nga pala. Lalayo na muna siya. Tss. Iiwan niya na muna ako. Iiwan na muna ako ng taong tanging nakakaintindi sakin. Babalikan niya naman daw ako. Pwes pakibilisan lang. Ang hirap naman kasi ng ganito. Siya pa ang nawala sakin ngayon. Tss. Daya.
…
IYAK.
Salamat sa mga kaibigan ko. Astrid, Gelai, Kt, Joselle, Bean Girls, Gian the hartrob, JJ, Joyce, Jam, Sa lahat ng nakapansin na nagiinarte na ako… Salamat.
Salamat din sa mga kadormmates ko na handang rumesbak sakin.
Salamat, Leerou. Ikaw lang ang nakapagpatahan sa akin. Mahal na mahal kita.:D Hanggang sa muli. Hihintayin kita.
No comments:
Post a Comment