REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Wednesday, July 2, 2008

AKO. AKO. AKO.

WANTED:LISTENER.

Gelai: "Kt, gusto kitang kagrupo, magaling ka magsulat e!"

Napangiti lang ako noong sandali na iyon. Di ko alam kung bakit niya yun nasabi. Di niya pa naman nababasa ang mga naisulat ko. Naisip ko lang... Bat nga ba ako nawili sa pagsusulat?
Halos sinasalaysay ko lang din naman dito ang mga bagay na nangyari at mga saloobin ko. Kaibigan ko kasi ang mga nagbabasa ng mga naisulat ko. Sa inyo kasi, nasasabi ko ang lahat ng bagay. Kasi may tiyaga kayong sumubaybay sa mga kwento ko na gustong gusto kong ipamahati, pero di ko nagagawa sa totoong buhay. Nakakalungkot at dito lang siya nagaganap. May mga oras kasi sa totoong buhay ko na kahit mga kaibigan ko, di ako pinapakinggan. Madalas ko yung napapansin at nararanasan. Kaya magtataka ba sila kung dito sa mga naisulat ko lang nasasabi ang mga totoong kwento ko? Dapat hindi na. Bakit?
...Naisulat ko na kung bakit.




Pakiramdam ko may taong sobrang nagagalit sakin. Oo. Maraming beses na akong nagsorry sa kanya, kahit ako mismo di ko alam kung bat ako nagsosorry sa kanya.

"Cams, ano na naman kasalanan ko?"

He made me feel like I was the worst person on Earth. And that I've commited the gravest crime.

that's how I feel. right now...

and ohh...



Well the feeling sucks.