MAY BAGO NA! OHLALA!
Adver. Adver. Adver. Kelan kaya kita masisimulan?
Kailangan na kitang ipasa sa lunes, 6pm.
...
...
Hanggang ngayon di parin ako nappressure. Ang buong akala ko pa naman, kapag napressure na ako, saka lang ako gagawa ng mga gawaing pang-eskwela. Epektibo yun sakin e. Pero maloko talaga, petix parin ako hanggang ngayon. At muli wala na naman akong ibang makausap kundi ang sarili ko. May tinangka akong kausapin kanina pero di siya sumasagot. Sa y.m. nga pala. Naginvisible na lang muna ako. Imbisibol kuno.
Mas maganda nga siguro ito, sarili ko na lang ang kausapin ko. Ah.. Eh..
Sige. Pag lipas ng sampung minuto iiwan ko na muna si pareng kompyuter, pero babalikan ko siya.
"PARENG COMPUTER, I SHALL RETURN."
"KAHIT WAG NA, BIGYAN MO NAMAN AKO NG PAHINGA."
Wala akong gana. Araw-araw na lang. Paano na ang kawawang katulad ko? hahaha. Paano na. Lintik. Napaka walang kwenta ko talaga magsulat ngayon. Haha.
BOOYA.