MAY BAGO NA! OHLALA!
Ang oras ay ginto. Time is gold.
Kung ganun, mahirap na pala akong tao. Dahil madaming oras ang nasayang ko, madaming ginto ang di ko hinukay sa sarili ko na mismong bakuran.
Ang hubad na katotohanan: Hubad ang kaliwa kong kamay.
Naguluhan ka ba? Ito lang iyan, wala akong relo. Pakiramdam ko tuloy, hubad ang kaliwang kamay ko. Nakakaasiwa. Hindi na ako nakakapagsuot ng relo. Ang totoo nasira na ang luma kong relo. Kaya naman humiling ako ng isang relo sa nanay ko, isang relo na talagang matagal ko ng pinapantasya, buong buhay ko. Kaya lang may kamahalan siya, halos dalawang libo. Hindi ko nga ba alam kung hibang lang ako. Ang sabi pa ng nanay ko...
"... masyado naman mahal, at wala naman sa uso!"
Nay, una sa lahat, para sabihin ko sa inyo, di iyon mahal. Ayos lang ang presyo niya dahil top of the class naman ang ginamit na materyales sa paggawa ng relo na iyon. At pangalawa pa Nay, hindi ako nakikiuso. Laos man siya o hindi, di ko na inaalala pa iyon. Ako ang tipo na...
"If everybody else is wearing skinny jeans, I'd still wear loose cargo pants..."
Sure, may skinny pants nga ako, pero para sabihin ko sa inyo nanay ko ang bumili nun. Nasermonan ko pa nga siya dahil halos limang daan ang nagastos niya sa isang pantalon na di ko binalak na bilhin. Nag-aalala lang siguro ang nanay ko sa akin dahil nalalaos na ako, nawawala sa uso.
"Nay, ayos lang. Di naman talaga ako nakikiuso."
...
At lumihis na naman ako sa talagang paksa ng blog entry kong ito. Ang oras. Ang ginto. Ang pagiging hubad ng kaliwang kamay ko.
Hinihiling ko na sana magkaroon na ako ng relo dahil nagpapakaPETIX na naman ako. Tamad at pa easy easy lang. Hindi marunong gumamit ng oras, kung may test lang tungkol sa time management, alam ko na ang magiging marka ko. Singko. Bagsak.
Pero ayos lang. Total, minamadali na naman ako ng tao at mga gawain ngayon e. May ipapagawa dito, may dealine doon. May homework dito, may test doon. Lahat na lang minamadali. *Fast Food* Lahat na lang instant. *Instant noodles*
May nabasa din akong artikulo, ang oras ay nagsisimbolo din sa pressure. Kaya ang tao, nappressure. Kaya naman sa cellular phone na lang ako tumitingin ng oras. Para minsanan na lang kung masilip ko. Kasi kapag nakakabit ang oras ng kamatayan ko sa aking kaliwang kamay, palagi ko itong mapapansin.
"Oras mo na, Kt."
Slow down muna tayo. Maupo at magmuni-muni. Pansinin naman natin ang paligid natin. Di lang ang mga magagandang babae at mga poging lalaki. Hubadin ang suot-suot na relo at ibigay ito sa akin, ako naman ang may kailangan niyan. Sa ngayon mag relax ka muna. Magpahinga. Wag ka masyadong magmadali sa buhay, makakarating ka naman sa poatutunguhan mo, magagawa mo rin naman ang mga gawain mo. Pramis.
mga batang naglalaro ng sili water...
"Oi, Time pers muna, nauuhaw na ako!"
oras mo na.:D

1 comment:
haha, buena mano na ko sa pagccoment dito sa bago mong tahanan. hitsu
Post a Comment