TV ATBP.

Hanep. T.V. Prod na ulit. Nasasabik ako. Kasi may ipapakain na naman ako sa naututuyo kong utak. May matututunan na naman ang ignoranteng katulad ko. Ang totoo, may lihim akong sasabihin dito, para sa inyo. Literal na isang baguhan ako. Parang bagong silang na anak, "Nasan na ako? What is me name? Who are yowww???"
Ganun ang pakiramdam ko. At yun din ang dahilan kaya natatakot ako. Kasi baguhan ako. Isipin mo na lang ako na isang tagabundok na nakapulot ng isang calculator...
Di ako nawawalan ng pag-asa. Pasasaan ba at matututunan ko rin kung paano makipagsabayan sa kanila. Kung paano makakapasa sa course ko. At isa pa, gusto kong matuto. Diba't sapat ng dahilan iyon para ako ay di malabong magtagumpay?
...
Tautology.
Pare-pareho na lang. Araw-araw. Babangon ka, sasampalin ang sarili, kakain, liligo, magbibihis, mag-aayos, papasok.
Kung may highlight man, doesn't mean masaya ang nangyari. Pwedeng paksyit. hahaha. Syit.
At ganun nga.
"Paano ka magiging masaya ganun alam mo na may nasasaktan ka?"