REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Tuesday, July 22, 2014

SIKRET. WALANG CLUE.



Para sa isang tipikal na training ng manpower sa aming kumpanya, nakaugalian na namin ang magkaroon ng "Introduce yourself with a kyeme." Pwedeng Name, Age, Address, Favorite Fruit, Motto in Life, and Relationship Status. Konting katuwaan at pampawala lang ng kaba at hiya sa mga taong maghapong mababagot at di mapakaling mapatingin sa kani-kanilang relo, cellphone, Fb, at latest pagkain o pananamit ng mga artista.

Pero dahil umaayon sa panahon ang aura ng buhay pag-ibig ko sa mga nakaraang linggo, naisipan kong ipasagot ang tanong na pilit bumabagabag sa aking kokote.

"Ah, pwede, pagkatapos niyo i-introduce ang mga sarili ninyo, pakisagot naman ang tanong ko: Ano ang sikreto para magtagal ang isang relasyon-sa nobyo/nobya/kafling/syota, asawa?"

Lahat ay naguluhan. "Si ma'am, may saltik." "How professional!" "Really?"


Yung iba natawa. Yung isa nahirapan mag-isip. Yung isa excited. At ako, naka-handa na ang notebook at lapis, for future reference, one must always jot down notes. Na baka sakali, sa ibang tao ko makuha ang sikretong sangkap para sa isang relasyon para magtagal. Na baka sakali, hindi naman pala sikreto yung sagot, baka common sense lang, pero ang common sense kasi hindi na common sa ngayon. Mas madali parin mabili yung Pride detergent bars sa mga grocery, mura na, sulit pa. Tssh.

Contestant # 1: "Ma'am, tingin ko po dapat talaga honest kayo sa isa't isa..."
KT Sungit: "Eh paano kapag umamin sayo na: Hi babe, kasama ko ngayon si chickabebe ko, ang saya-saya namin tonight!"
Contestant # 1: *in tears*

Katotohanan in your peyz? Sigurado ka? OK ka lang? Ibig sabihin kahit umamin araw-araw ang karelasyon mo sa mga kalokohan niya na ginagawa, magtatagal parin ang relasyon ninyo? Aba teka, umorder na tayo ng 1 rebulto para sayo. Oo, para sayo, para kwits tayo. 

Para sa aking masungit na opinyon, hindi sapat na hindi naglilihim ang isang tao sayo. Tingin ko, mas mabuti na kung loyal ka sa taong mahal mo. Kasi isipin mo paano kung wala syang load at ang alam mo nasa Ermita sya, ng dis-oras ng gabi. What ya gonna do? Kung honesty lang pepwedeng "Ganda ng dancer ngayon sa club, babe. Wish you were her." Pwede na? Honest diba? Kung loyal at walang load, magtetext kinabukasan "Sorry wala akong load kagabi, babe. Pero don't worry, wala akong ginawang kalokohan."
Case Solb.

---
Contestant # 2: "Para sakin, dapat madalas kayo'ng mag-uusap or magspend ng quality time para magtagal kayo, like us na almost 4 years na..."
KT Sungit: "4 years?! WAHAHAHA! Sige, antay ka lang, anytime soon, endo na yan."
Contestant # 2: "Bakit po?"
KT Sungit: "Basta, wag ka na lang kukurap, okay?"

Hindi ko alam kung magkakasawaan ba ang future perfect tense para sa isang tao na clingy at demanding masyado sa oras/atensyon na hinhingi nya sa kanyang karelasyon. Pero one day isang araw, I saw, I felt, I gave up.

Marahil, siguro, baka masyado na akong nag-demand ng oras, baka masyado akong nainip sa ilang minuto, oras, kalahating araw, 1 buong araw, ilang araw na late reply. Baka masyado akong nag-demand ng pagkikita ng madalas, kahit dyahe sa byahe, kahit mahal ang pamasahe. Baka masyado akong nag-dedemand sa isang tao, higit pa sa makakayang maibigay ng tao, parang abuso? Tingin mo? Oo? Aw, syet.

---
Contestant # 3: “Kailangan, kapag may pinag-aawayan na bagay eh dapat magpalamig muna ng mga ulo para hindi magkasabay yung galit.”
KT Sungit: “Gaano katagal yung dapat palipasin? 'Gang sa isang araw nalaman mo na lang na pinatay na ang issue? Ganun ba?"


Bawal. Matulog. O. Matapos. Ang. Araw. Ng. Hindi. Naaayos. Ang. Issue. OKAY? Tapos.

---

At biglang bato sakin ng bola.

“Eh, kayo naman po? Ano ang sikreto para magtagal ang isang relasyon?”

Samid. Lunok. Napatingin sa mga tao. Napatingin sa bintana. Napatingin sa relo.

Hindi ko direktang masasagot ang tanong, kasi ako mismo, hindi ko alam ang sikreto para magtagal ang isang relasyon. Kasi sakin mismo, hindi naman nagtatagal ang relasyon, nagtatagal na tipong hanggang huli kami. Dahil siguro maaga pa para masabi, dahil siguro, hindi mo masasabi kung kelan na lang may susuko o kakawala sa kabilang tali, or thread. Wateber.

Pero masasabi ko ang mga pepwedeng maging dahilan para biglang maramdaman mo na lang na hindi mo na kayang ipaglaban pa ang isang relasyon.

“How do I unlove thee? Let me count the ways.”

1.     Sa isang relasyon, pilit na magkakaroon ng away o alitan. Kasama yun sa formula, e=mc2. Pang-kumpletos recados. At sa bawat alitan niyo, pansinin mo kung paano ka itrato ng ka-relasyon mo. Iniiwan ka lang ba nya sa ere? Sinusuyo k a ba di bale kung sino ang may kasalanan? Sinasaktan ka na ba nya? Pisikal? May emotional threat ba? Verbal abuse? Martyr ka ba? Kinakaya mo pa ba? Seryoso? Hiwalayan mo na yan, huy!

2.     Paghihinala. Ang malalang kasalanan na pwedeng gawin ng isang tao sa karelasyon. Baka praning ka lang? Baka selosa ka lang? Baka may nangyari na noon na pilit mo lang kinakalimutan? Pero, once upon a time, nahuli kitang magsinungaling tungkol sa iyong mga lakad, nahuli kitang makipag-usap ng malambing sa ibang babae. And we both lived happily never after. The End.

3.     Pag-demand ng sobra-sobra. Mapa-oras o date man yan, mapa-text na atat na atat kang matanggap man yan. O ni katiting na effort man lang yan. “Please naman o, isang sagot man lang sa tawag ko?” “Wag mo na ako’ng bulabugin!” “Okay, I love you.” *beep* *beep* *beep* The number you have dialed is pissed off. Please try again, never.

4.     Pagkaramdam ng awa sa sarili. Na baka hindi pala sapat ang sakripisyo mo sa isang tao para ma-recognize. O kaya ay hindi mo man lang naisip na, ipambibili mon a lang nga ng isang pares ng pantalon, inilaan mo parin sa pag-iipon sa future niyo, reality check, last December ka pa huling bumili ng bagong pants! Huwaaat? 

5.    At, ang kahuli-hulihan, na napakatinding dahilan, na napaka-lapit sa heart attack ay ang pagiging handa mo ng bumitaw, sa loob lang ng isang iglap. Gusto mo na lang bumitaw. Gusto at handa. Handa mo ng bitawan ang lahat-lahat ng magagandang alaala. Lahat-lahat pati ang memorya, pagsasama, sakripisyo, naudlot na date, bakasyon, kasal, pamilyang plano. Lahat. Deleting history, C-Cleaner, re-format. Shine, sweet Freedom, shine.


---

“Eh, kayo naman po? Ano ang sikreto para magtagal ang isang relasyon?”

Samid. Lunok. Napatingin sa mga tao. Napatingin sa bintana. Napatingin sa relo.

“Sorry. Di ko masasagot. Pass muna.”

“ANG DAYA MO!”

Pwede. Pero hindi e. Kwits lang tayo.





No comments: