REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, December 11, 2010

INUMAN 101

MAY BAGO NA! OHLALA!

Inuman alak laklak amats nomo toma at kung ano-ano pang salitang kalye na pwede mong ikonekta kapag isa na ang pinaguusapan, ang inuman. Hindi ko alam pero ang ugaling ito ang hindi ko nagustuhan simula nang maipakilala sakin ng maloloko kong barkada ang alak, at ito ang inuman.

Mapakla, mapait, matapang, may sipa o kung ano pa, pero hindi ko talaga mawari ang lasa. Kaya naman kapag ang barkada ay may inuman, napapalitan ang aking pangalan. From KT, ako ay nagiging si KJ:

Ang tanging juice o iced tea lang ang inoorder at ang gin, serbesa, alak, o vodka ay sinusungitan.

Ang kinakantyawan para kahit man lang makatikim ng serbesa, kahit isa man lang lagok o kutsara.

Pero napanatili ko ang aking pagiging mailap at suplada sa alak. Dahil noon talaga, sinabi ko sa aking barkada, na kaya naman natin magkaroon ng good time ng walang serbesa. At ang sagot lang nila sa akin ay mga pambabara.

Hindi ko maintindihan ang tama ng alak sa mga tao o barkada ngayon. Wala naman kasarap-sarap kumpara sa cola o juice na ponkana. Kaya hinayaan kong maranasan ang pagiging may tama, isang payapang araw noong Nobyembre. Sorry ma, sorry pa.


Unti-unti kong inalis ang aking pagiging isnabera, at pinagbigyan ko ng pag-asa ang alak(Red Horse nga ata sa pagkakatanda ko) para ipaglaban ang kanyang ikinabubuhay sa mata at isipan ng mga tomador. Paisa-isanglagok lang sa umpisa, nakalimutan ko na ang lasa.

Swabe at sunod-sunod na lagok sa pangalawa, nakalimutan ko na ang aking pagiging isnabera. Tuloy-tuloy na lagok sa pangatlo, saka ko naisip kung nakakailan na pala akong baso. At sa pang-apat, nakalimutan ko na ang mundo, at ang masasagwang alaala nito, ang mga walang kwentang tao, ang mga mapang-abuso, waitress na nangungulit sa bayad, oras na lumilipas. Iisa lang ang tanging naaalala ko: ang sandaling naging lutang ako at naging kawala sa sarili kong mundo.


At saka ko lang nilaklak ang ilang paniniwala ko. Kahit papaano naibsan ng alak ang aking pagkauhaw na lumayo muna sa mga bagay-bagay, tao, hayop, pagkakataon. Ito pala ang desperadong eskapo na pepwede kong matamo. Hanggang sa muli na lang siguro, kapag gusto ko na ulit kumawala sa sumasakal na mundong ito. Pero sa ngayon balik na muna ako sa cola at iced tea. Blech.









No comments: