MAY BAGO NA! OHLALA!
Patuloy kong sasambahin ang mga diyos at diyosa ng sining at musika, dahil bata pa lang ako, humaling na humaling na humaling na ako sa aspetong ito. Musika ang karamay sa tuwina, malungkot man na pangyayari o masasaya. Marunong ako kumanta, marunong ako tumugtog, marunong ako gumawa ng kanta. (Tandaan na ang ibig sabihin ng marunong sa akin ay ang pagaambisyon lamang.)
Class, ito ang history 666. Noong kabataan ko, myembro ako ng choir. All together now: WEH! Maloko akong tao siguro, pero kapag ito na ang linya ko sa mga kaibigan ko "Nasa choir kaya ako dati..." Pagtatawanan lang nila ako. Partida wala pa ang punchline kong hirit. Ergo, sira ulo din ang mga kaibigan ko na ayaw tanggapin ang mga katotohanan na ito:
Fact no.1:
Choir member ako nung grade school
Fact no.2:
Glee club member ako nung 1st year highschool
Fact no.3:
"Only hope" ni Mandy Moore ang pinang-audition ko noong high school, at sinabayan pa ako ng music teacher namin sa pagpipiano. With musical accompaniment. KT feeler.
Fact no.4:
I quit Glee club with this reason: Hindi ako makakain, recess at lunch breaks are for Glee club practices. Ayoko gutumin ang sarili ko, kaya iniwan ko ang aking karera sa pagkanta, alang-alang sa kumakalam na sikmura.
---
Ganito talaga kapag hibang sa mga kanta, naalala ko halos tangkilikin ko ang lahat ng genre:
mellow - 15%
pop - 17%
rock - 50% *ehem
rnb - 10%
others - 8%
Pero ang puso ko nasa rock, marahil dahil ako ay may pusong bato, (rooaaaar) no offense sa rnb, at sa mga mahihilig dito, hindi ko lang minsan maatim ang mga liriko kung saan puso at tenga ko, nagdudurugo. At asar ang kapatid ko na mahilig sa mga negrong nagmumura, naalala ko isang beses, nuknukan ng lakas magpatugtog sa kotse habang papunta kami sa simbahan:
If you a scared motherf*cker go to church
If you a gutter motherf*cker do your dirt
If you a down motherf*cker put in work
IF you a crazy motherf*cker go berzerk
*p.s. kunwari na lang motherfather yang motherf*cker na yan. Masyado mahalay e.
Baby my room is the Gspot
Call me mr. Flisntone
I can make your bedrock girl
*Mr. flinstone? Bedrock? Ano daaaaw?
Galit ba talaga sila sa mundo at ginawa na nilang bating panimula at pangwakas ang pagmumura? Pakiramdam ko sinusunog kami sa loob mismo ng sasakyan, kaya pinakiusapan ko siya in my batangeƱa tone: "Eh! Palte-palte nga iyan! Minumura na tayo e!"
At tulad ng panahon, pa-iba iba ang mga natitipuhan kong tugtugin, at unti-unti ko ng natutunang mahalin muli ang mga lumang tugtugin.
One day you'll find that I have gone.
For tomorrow may rain, so I'll follow the sun.
-I'll follow the sun - The Beatles
I now proclaim myself as a flower child, hippie gal, old skul kid. I am proud. Heh heh. Sige, makapagpatugtog na nga lang muna.
INNERPEACEY'ALL! v(-_-)v
3 comments:
ASTIG!!!!!!
YEA!!!!! hahaha
I know you can sing well, i heard you once..you sang that song from the movie twilight hahahaha..nice one
Post a Comment