Oh hindi. Hindi talaga biro ang paghahanap ng trabaho.
Lalo at nakipagsapalaran ka sa isang di pamilyar na lugar kasama ang iyong mga kaibigan. Lalo at wala kang barya para sa iyong pamasahe. "Buong bente lan ho, e?" Lalo at hindi ka sanay magsuot ng sapatos na may matataas na takong. Lalo at masayang ngumingiti sayo ang araw, sabay wagayway sa publiko ang mapa ng lugar, na ginawa mo ng pamaypay, at nagsasabing: "Bago ako dito, kaya may mapa ako. Heh heh." Oh hindi talaga madali.
Oh hindi. Hindi talaga biro ang paghahanap ng trabaho.
Lalo at hindi ka din sanay sa lakwatsa, pati sa mga programang may walkathon. Pero sa araw na iyon, napasabak ang aking mga binti at sakong sa isang mahabang lakaran, pati na rin sa mga nakakalitong daan. Ang ating susunod na estasyon ay ang DI MAKITA avenue, malapit lang sa may GUNI GUNI street.
Oh hindi. Hindi talaga biro ang paghahanap ng trabaho.
Lalo at kakumpitensya mo ang halos daang-daang taong naghahanap ng trabaho, batikan, baguhan, sanay na, may backer, vip. Lalo at mainit ang panahon at halos mandeliryo na iyong paningin sa mga nagkalat na poster ng mga gwapito at magagandang babae na may hawak-hawak na coke, at gusto mo na lang sumigaw ng bukal sa iyong puso: "Nang-aasar ka din e! Waaaaahhh!"
Lalo at hindi mo timpla ang mga taste at mood swings ng ibang tao:
---
us vs. customer service chicks
guard: "San po ang punta niyo?"
us: "Kuya, sa ******* prod lang..."
guard: *checks on his list "Ah.. Sige pirma na lang muna kayo dun." *tumuro sa customer service table
*katatapos lang pumirma
customer service chick: *reads the notebook "Wala na ang ****** prod."
us: "Po?"
customer service chick: *deadma, entertains another person
*balik kay kuya guard
us: "Kuya, wala na pala ang ****** dito e? Bakit asa list niyo parin?"
guard: "Ha? Teka..." *pumunta sa customer service chick
guard: "Wala na dito ang ******prod?"
cs chick: *sungit look "Wala na nga e! Di lang natatanggal sa list! Wala na yan dito!"
us: *gasps! wow sunget
guard: "Pasensya na mga maam, wala na pala dito yung *****, hehehe..."
us: "Okay lang ho kuya."
Ang aking napagtanto: Sana magpalit na lang ng posisyon si kuya guard at si cs chick, kasi si kuya guard mabait at matino pa mag-asikaso ng tao. Why in the world did that chick even got that position? Pwe. Doesn't even know how to look straight in the eyes while we were talking to her. Blech.
---
At sa katapusan ng araw, sumuko na din kami at napagdesiyunan na lang magsiuwian sa halos 4 na kumpanya na inapplyan.
Pero alam mo na pawi ang pagod mo:
*kapag nagpumilit kang makipagkita sa kanya sa kahit na 5minuto bago ka umuwi ng probinsya
*kapag nakita mo siya kahit na badtrip ang itsura
*kapag may atraso ka sa kanya pero hinila ka niya para ibili ka ng inumin
*kapag nagpapaalam ka ng umuwi at hindi ka niya hinayaan
*kapag nagpumilit siya na pumunta ka sa opisina niya at sa de-aircon na silid
*kapag binigyan ka niya ng dyaryo para may mapagkaabalahan ka
*kapag nakisama siya sa iyong mga laro
*kapag pinagbigyan ka nya sa iyong mga malolokong gusto
*kapag pumayag siyang makipagpalit ng sapatos sayo kapalit ang iyong pang-babaeng tsinelas
*kapag nilibre ka niya ng pagkain
*kapag iniwan niya sayo ang kanyang tumblr para may baunan ka ng inumin
*kapag inamoy niya ang iyong mga paa
*kapag paulit-ulit niyang sinasabi at binubulong na mahal ka niya kahit wala kang sinasabi pabalik
Pawi na nga.
INNERPEACEY'ALL. v(-_-)v
4 comments:
mahirap talaga maghanap ng trabaho. try mo na lang maging artista ng Wow Mali, baka pwede pa. Hehehe.
swerte mo may gumaganyan sa'yo. hehehe. kahit pagod, kikiligin ka pa rin. hehehe...diabetic
gudlak sa paghahanap ng trabaho. :)
Wahahaha. Syempre naman :D apir! Salamt, salamat. :D
aba nga nmn oh... kagumaleng...
Magaling ako e.
Post a Comment