REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Friday, August 8, 2008

KARAMAY SA TWINA.

MAY BAGO NA! OHLALA!

May slumber party kami mamaya ni pareng computer.

Magdamag ko na naman siyang kapiling mamaya. Sigurado akong sawang-sawa na to sakin. Pero ako di ako nagsasawa sa kanya. Kakayanin ko kasi ang walang telebisyon, pero ang walang kompyuter at internet. No tenkyu.


Kung tutuusin naman kasi mas may bonding pa naman kami ni pareng kompyuter kesa kay parang Sony. Through thick and thin, ika nga. Lahat ng hinanaing ko, sa kanya ko binubuhos. Type. Type. Type.

Karamay ko nga sa twina.

Siya ang nagsisilbing outlet ko habang wala pa akong nahahanap na matinong journal notebook. Sa kanya ko na muna nailalabas ang lahat ng reklamo ko sa buhay.

Pero kailangan ko na talaga ng Journal notebook. Bakit pa? Kasimay mga bagay din naman na kailangan kimkimin mo lang sa sarili mo. Parang natatae ka lang at nasa classroom ka.


Oo nga at madalas ako magblog, Pero sa tingin mo ba lahat lahat nasasabi o nalalathala ko dito? Di rin siguro.

No comments: