REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

REALITY IS WRONG. DREAMS ARE FOREAL. v(-_-)v

Saturday, July 26, 2008

WHO YOU?:D

MAY BAGO NA! OHLALA!

ASAHAN MO NA. ASA KA PA.

Expect the unexpected.

Takot ako sa kasabihan na iyan. Bagay bagay o pangyayari na di mo inaasahan.

Halimbawa: Natatae ka.

Expect the unexpected.

Parang yung mga nangyari lang kanina sa pagpasok ko. Pero may 3 o apat na bagay na akong inaasahang mangayri. O diba, safe parin.

...

Kanina lumuwas lang ako para sa eskwela. Kahit na alam ko na uuwi din naman ako pabalik ng probinsya. Kita mo nga naman. Halata naman kung gaano kaimportante sakin ang pag-aaral, diba? From Lipa to Manila. I can go the distance. May isang bagay na ako na inaasahan. Traffic. Yan ang una. Syempre. ano ba ang bago doon? Nakakagulat naman diba kung "Walang traffic sa Manila."
Ahh. Pwedeng wala na kasing sasakyan sa Manila. Cool.

Pagdating sa campus, hindi ako nalate. Hindi ko iyon inaasahan. Unexpected. Kasi ang masterplan ko talaga ay ang magpalate. Kung kaklase man kita wag kang maniniwala na nalate ako, pwes di mo pa talaga ako kilala bilang isang kaklase. Kasi kung kaklase kita at kilala mo na ako ito ang sasabihin mo...

Prof: "San si Ms. Lacorte? Late ba siya or absent?"
true Classmate: "Sir, di po yun late. Maya-maya po andiyan na siya."
Prof: "Late na din yun e?"
True classmate: "Di nga po yun late. Tinatamad pa yun pumasok. Maghintay lang kayo."

Hayup. Prof talaga ang maghihintay sakin. Ungas.

...

Wala kaming second period kanina. Unexpected. Di inaasahan. Sayang nga lang at di siya nakasali sa class picture namin. At oo nga pala, pagkatapos ng mismong kodakan ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Unexpected. At tumambay kaming mga basang sisiw sa may tapat ng Main Bldg. Nasilayan ko din si Rona ng Pbb. Unexpected.

Pagkatapos naming magpatuyo ni Cams naisipan namin ang mgakodakan. Wet look. At napagpasiyahan ko na wag na munang umuwi dahil napakaaga pa naman. Sumama ako sa kanilang pagpupulong(TV Prod.) at kinuha nila ako bilabg isang talent. Unexpected.

"Cams, huwag mo akong sisihin kung pangit ang kalalabasan niyan ha!"

Pero sige, gagawin ko na ang makakaya ko at ang pinakadabest ko. Hiya ko na lang sa mga tao na naniniwala sa aking star quality. Diba? Diba? *wink *wink.(-gay.)

Ang tindi talaga ng kapatid kong bunso, gising pa rin hanggang ngayon. Son las onse y medya na ng gabi. At ano ang pinupuyatan ng bata na 'to? Dvd marathon. Power rangers. Mighty Morphin power rangers! Kaya naman inaasahan ko na rin na may panibago na naman siyang atake move na gagawin sakin. Karaniwan kasi ang ginagawa niya e itapon sakin ang espada niya at ibalibag sakin ang mga silya na maliit. Pero wala namn sakin yun, di naman ako napatol sa bata. Hindi talaga. Kasi nung isang beses at binato niya sa akin ng sunod-sunod ang mga pangkulay nya at ang lunchbox na 100 percent plastik(F.Y.I. may laman siyang laruan. mabugat. approximately 2kg), ngumiti lang ako at sinabi ko ng malambing sa kapatid ko...

"Baby, don't do that. Okay? heh heh..."

P.s. nabali yung mga krayola na hawak ko nung mga sandaling yun. Gigil.

May dalawang bagay pa nga pala akong di inaasahan na mangyari kanina. Ang magkita ulit kami at ang mangyayari pag nagkita kami: deadmahan.

No comments: