LIAR, LIAR. YOU'LL BE BURNED ON FIRE.
Wala akong ibang makausap kanina. Kung kelan kailangan ko ng outlet. Kung kelan kailangan ko ng mga tao. Tao na nagsabi sakin na...
"...kapag may problema ka, andito lang ako para sayo."
Ngayon, nasan ka na kung kelan kelangan kita?
...
Nasira din ang gripo sa lababo namin. Hindi tumitigil ang pagtulo ng tubig kanina. Kumuha ako ng plais at kinumpuni ko iyon. Nag ala Handyman ako. Feeling. Hinayaan ko na lang na tumulo at sinala ko ang mga tubig sa isang malaking planggana. Maya-maya pa ay tumigil din ang pagtulo. Di ko rin naman pala kailangan ng tubero. Kaya di ko na rin naman siguro kailangan ng kausap.
No comments:
Post a Comment