I'm leaving you all...
Tama ang nabasa mo, IIWAN KO NA SILANG LAHAT.
Ang iba kong mga account sa Cyberspace. Naisip ko na mas maganda kung ito na lang ang ititira ko. Itong account ko sa Blogspot. ANGAS. Nasa mundo na ako ng blogspot.
Napapansin ko kasi, napapadalas ang pagsusulat ko, o kaya naman ang pagiging makwento ko. Sure, may diary at journal nga ako, pero naadik ako sa pagnenet. Naisip ko na bumalik na lang sa dating gawi, dating daan. Diary/journal. Old school. Pero gusto ko munang subukan ang blogspot. Wala lang. Dahil may ilan din naman na nagsasabi na matino at nakakatuwa naman ako magblog(ktlacorte.multiply.com).
At dahil medyo nakikilala at naaaliw ang ilang mambabasa sa aking mga naisusulat sa kompyuter, may isang kaibigan na nagpayo sa akin, "Pwede kang kumita dahil sa pagbblog mo, Gorjus!"
Kaching! Pera! Sagot sa aking kahirapan at mga problema.
At muli, eto na naman ako. Kumakapal ang apog.
"AS IF THEY ARE REALLY INTERESTED TO YOUR BLOGS..." -yown. kontrabulate, men!
Inaamin ko, nung una naaliw ako sa ideya niya, ang kumita ako.
Pero di talaga iyon ang dahilan kaya naisipan ko ang lumipat ng tahanan.
Hilig ko na talaga ang magblog. Ang magkwento sa inyo.
Kumita man o hindi, tuloy parin ang pagsusulat ko. Ayos ba?
1 comment:
:D
kt?
Post a Comment